Saturday, November 6, 2010

Old School

One time sumama ako sa simba ng mga kaofficemate ko..every Wednesday naman talaga nagsisimba sila dito sa office (CTPT). Ngayon lang naman ako sumasama-sama sa simba nila. Hindi naman kasi ako ganun ka religious. I'm Catholic or pseudo-Catholic. Or RC as may college friend said (Roman Catholic). Maybe because, one, my parents were not that religious also. Nagsisimba lang sila usually pag Pasko, Birthdays and other special occasions. Secondly, kasi we went kasi to a BornAgain School. From Grade I to First Year High School. Me and my 2 siblings. Lam mo bang I had my first communion at age 14? Namulat lang kami sa Catholic Faith practices nung 2nd Year High School na kami. Kasi nagtransfer na kami ng Catholic School.

Going back, kasi lumalayo na tayo..Pagdating namen nagsesermon na si Father. As what I can recall dun sa sermon, humility yung focus ni Father.

Humility is the defining characteristic of an unpretentious and modestperson, someone who does not think that he or she is better or more important than others. Synonym: humble

The term "humility" is derived from the Latin word "humilis", which is translated not only as humble but also alternatively as "low", or "from the earth".[1]

As Father suggest, Humility is putting other people’s need above yours. Serving other people with the gift that God has given you. Selflessness! Yun ang term dun. Hahaha tagal ko nakaisip ng term. Pero mahirap yata iapply ang ganitong attitude nowadays. Ang Mundo ngayon puno ng panlalamang. Unahan. “ako muna” attitude. Hindi ako nagnenega. I’m just stating an observation.

Wg kang mange-elam.

After the mass, dumaan lang kami saglit sa Celine. Tingin-tingin. Daming pretty na shoes. La lang share ko lang..

Then straight to Food Court. Hindi naman halatang mahilig talaga akong kumain. Ewan ko ba! Masarap kumain..lalo na yung madaming rice..har har har..tapos ang ulam mo pa sinigang..naku! Guilty ako talaga jan. I’m a sinigang addict. Lalo na kung fish sinigang..T_T sarap! Yung isang friend and officemate ko, nagshare na lang kami sa SINIGANG SA MISO NA MAYA-MAYA. All caps yan kasi literal. Madami talaga yung SINIGANG. I think good for three persons yun. Pero naubos namen yun! Takaw kasi nung kashare ko. Peace friend! :) Ang masarap pa dun, dinurog namen yung siling pula sa sabaw..at ang sasawan namen ay patis na puno ng siling pula!!! Wooaahhh!!! Sarap…hay..hahaha addict! Maiyak-iyak tuloy ako..

After ng dinner, tambay muna kami dun. What I love about dining out is you talked about everything! From the boring to the serious stuffs. you also get first hand information on life. Life experiences that eventually can help you out in life, lalo na kung maencounter mo yung ganung problem. I’m the youngest kasi dito sa office..(sorry can’t reveal my age)..most of my friends sa office are already on their 30’s. (patay ako, nireveal ko ages nila!). may ilang inaamag na rin talaga literally. har har har Bad ko! Kaya sabi nga nila, “marami pa akong kakaining bigas”. When I listen to their stories, I’m really inspired. I also realize a lot of things. Lalo na pag meron kang mga problema. Hindi dapat sineseryoso. Kasi baka mabaliw ka. Huwag ka ring mang-aabala ng kapwa. Problema mo, Problema mo lang!!! Hindi problema ng angkan mo or ng kung sinong Poncio Pilato. You and your problem lang. Huwag ka din magpaapekto. Wag mong gawing excuse ang problem kung palpak ka sa work. Hindi synonymous yun! Tandaan mo! Narerealize ko rin kung ganu kapetty lang ang problema ko..Wala sa kalingkingan ng mga napagdaanan nila. Nature na yata naten talaga. Mahilig tayo sa:

Reklamo.

Grievances.

Whine.

Dak-Dak

Reklamo dito. Reklamo dun. La naming ginagawa to actually improve oneself. We don’t realize na may mga taong mas worst pa ang situation sa aten. Mas mabigat ang dinadalang problema.

Isaisip mo lang yung mga walang-wala. Buti nga tayo, may bahay na inuuwian. Pano yung nakatira lang sa kariton? Kumakain ka 5 beses sa maghapon..Pano na lang kaya yung 1beses lang sa maghapon?

Basta ito ang motto ko sa problema:

“Kung may solusyon ang problema, hindi na dapat pinoproblema kasi may solusyon naman eh..malalaman mo rin yun!

Pero kung wala ng solusyon ang problema, bakit pa poproblemahin? Wala na ngang solusyon eh! Maloka ka lang jan!” hahaha

Kaya I love dining out.

Maraming chikka at kwento.

Iba't-ibang istorya.

Isang tema.

Buhay.

No comments:

Post a Comment